Linggo, Enero 5, 2014

Campaign Awareness (Kabataan sa Modernong Panahon)

           "Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan." isa sa mga kasabihan ng mga matatanda. Pero sa panahon ngayon, ang mga kabataan pa rin ba ang pag-asa ng bayan?. Kung sa mga ginagawa palang ng mga kabataan ay bagsak na ang bayang kinalakihan. Kailan tayo magkakatikim ng maunlad, masaya at mapayapang bayan?.
           
              Unti-unti nang nagbabago ang panahon, Unti-unti nang nagiging moderno at sibilasado. Kinakain na ng Modernisasyon ang mga buhay ng tao at ang mundo. Isa na dyang naaapektuhan ang mga kabataan. Pindot dito, pindot doon. Sa isang pindot lang ay makukuha mo na ang gusto mo, makukuha ang kailangan mo at mahahanap mo ang hinahanap mo.Tila pinagpalit na nga natin ang tradisyon at kultura para sa mga bagong teknolohiya. Maging ang paggamit ng sariling wika ay nagbago na. Tinangkilik na natin ang mga bagong usbong na wika na Jejemon, Gay lingo, Ingles at iba pa. Sabi nga ni Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa Sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda." pero tuluyan na itong nakalimutan at binura sa isip ng mga kabataan sa ngayon. Pati ang Pag-aasawa at Pagbubuntis ng maaga ay pinoproblema na ng mga kabataan.

 
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung ano ang mga nangyayari sa kabataan ngayon. May mga maagang namamatay, mga nalululong sa droga at iba pa. Kaya naman hindi natin masisisi ang mga matatanda sa pag-iisip nila ng mga masasama sa mga kabataan. Dahil sa mga ito, unti-unti na ngang nawawalan ng pag-asa ang bayan. Sa paglipas ng panahon at sa pagtakbo ng oras, Hindi natin namamalayan na ang Teknolohiya na ating kinokontrol ay sya na palang kumokontrol sa atin. Ang Modernisasyon at mga teknolohiya ang tutulong sa atin patungo sa maunlad na pamumuhay, pero ito rin ang maaaring magpapabagsak sa maunlad na bayan. 

                              
              Ako, Ikaw at Tayo, bilang kabataan ay makakagawa ng hakbang patungo sa magandang kinabukasan ng bayan. Hindi natin maiiwasan ang pagbabago ng panahon at hindi natin pwedeng pigilan ang modernisasyon. Hindi masamang makisabay sa uso at gumamit ng mga makabagong teknolohiya. Basta wag lang natin kakalimutan ang ating mga limitasyon sa paggamit nito.Kung paano ito makakatulong sayo at kung paano ito makakaapekto sayo, sa atin at sa Bayan.




6 (na) komento: